Header Ads Widget

ICC, Pag-aaralan ang Hiling ng Duterte Camp

Inanunsyo ng International Criminal Court (ICC) na kanilang isasaalang-alang ang mga "observations" o paliwanag na isusumite ng dalawang hukom na pinasasangkot sa kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mapawalang-bisa ang partisipasyon ng mga ito sa kaso ng hurisdiksyon laban sa kanya.

Ang Plenary of Judges ng ICC ang siyang magsasagawa ng pagsusuri sa mga nasabing obserbasyon bago maglabas ng desisyon kung karapat-dapat bang ma-disqualify ang mga nabanggit na hukom. Ayon sa korte, ang proseso ay bahagi ng pagsigurong patas at makatarungan ang pagdinig sa kaso, lalo na’t sensitibo ang isyung may kinalaman sa mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan sa ilalim ng war on drugs ng dating administrasyon.

Samantala, umaasa ang kampo ni Duterte na papanigan ng ICC ang kanilang mosyon, habang iginiit ng mga human rights groups na hindi dapat matigil ang proseso ng paghahanap ng hustisya para sa mga biktima.

Post a Comment

0 Comments