Header Ads Widget

IPHO: 10 Kaso ng Mpox Kumpirmado sa South Cotabato



Kinumpirma ni Integrated Provincial Health Officer Dr. Conrado Braña na mayroong sampung kumpirmadong kaso ng Monkeypox o Mpox sa South Cotabato, ayon sa isinagawang press conference May 22, 2025.

Batay sa ulat ng IPHO, tig-iisang kaso ang naitala sa mga bayan ng Banga, Koronadal, Tantangan, at Lake Sebu. Dalawang kaso ang nagmula sa Surallah, habang apat ang naitala sa bayan ng T’boli.



Tiniyak ng IPHO na mahigpit nilang minomonitor ang kalagayan ng mga pasyenteng nagpositibo, habang natukoy at isinasailalim na rin sa obserbasyon ang lahat ng kanilang mga close contacts.

Nagpaalala rin ang ahensya sa publiko na maging mapagmatyag at agad magpatingin sa doktor kung makakaranas ng mga sintomas ng Mpox, upang maiwasan ang paglala at maagang mabigyan ng kaukulang lunas.

Post a Comment

0 Comments