Higit sa 200 katao na ang nasawi sa Mount Everest, at marami sa kanilang mga labi ay naiwan na lamang doon, nagsisilbing mga palatandaan o landmark sa bundok.
Dahil sa matinding panganib na kaakibat ng pagkuha sa mga bangkay, karamihan sa mga nasawi ay nananatili kung saan sila bumagsak habang tinatangkang marating ang pinakamataas na tuktok sa mundo.
Ang tinatawag na "death zone" ng Mt. Everest, na matatagpuan sa taas na 8,000 metro mula sa sea level, ay kilala sa manipis at mapanganib na suplay ng oxygen. Dahil dito, napakahirap buhatin ang mga bangkay pababa, at halos imposibleng makalipad ang mga helicopter sa ganitong taas.
Bukod sa panganib, napakalaki rin ng gastos sa pag-recover ng mga labi, kaya't maraming pamilya ang mas pinipiling iwanan na lamang ang kanilang mahal sa buhay sa bundok — bilang tanda ng respeto at pagpupugay sa kanilang huling paglalakbay.
0 Comments