Kasunod ng matinding reaksyon ng publiko sa 2025 national budget, personal na binabantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proseso ng pagbuo ng pambansang badyet para sa taong 2026, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Ayon sa DBM, determinado ang Pangulo na tiyaking nakatutugon sa tunay na pangangailangan ng bayan ang ilalaang pondo ng pamahalaan. Handa rin umano siyang dumalo sa mga sesyon ng bicameral conference committee kung kinakailangan, upang tiyakin na ang bawat proyekto ay “shovel-ready” o maaring simulan agad, at hindi lamang nakasulat sa papel.
Ipinapakita ng hakbang na ito ang layunin ng administrasyon na itama ang mga pagkukulang sa nakaraang badyet at masigurong makikinabang ang taumbayan sa bawat pisong ilalaan. Inaasahan ng Palasyo na ang bagong proseso ay magbunga ng mas transparent at epektibong paggasta ng pondo ng bayan.
0 Comments