Muling nanawagan si Senator Bong Go sa PhilHealth na maglabas ng matibay at madaling makuhang ID para sa mga miyembro nito. Ayon sa kanya, maraming Pilipino ang hindi batid na sila ay sakop ng PhilHealth, kaya't mahalagang magkaroon ng malinaw na pagkakakilanlan upang hindi sila matakot magpagamot sa mga ospital.
Kaugnay nito, inihain ni Senator Bong Go ang Senate Bill No. 2983 o ang Philippine Health Card Act of 2025, na naglalayong mabigyan ng malinaw na pagkakakilanlan ang bawat Pilipino bilang bahagi ng National Health Insurance Program (NHIP). Sa ilalim ng panukalang batas na ito, ipamamahagi ang nasabing ID sa tulong ng mga local government units (LGUs).
Mahalagang malaman ng bawat Pilipino na sila ay miyembro ng PhilHealth upang magkaroon sila ng kapanatagan na tatanggapin sila sa mga ospital kapag sila’y nangangailangan ng serbisyong medikal.
0 Comments