Ipinahayag ng ilang mga kasamahang senador ni Senadora Imee Marcos ang kanilang suporta upang siya ay maging kandidato sa pagka-Senate President para sa ika-20 Kongreso.
Ayon sa senadora, sino man ang maupong lider ng Senado ay kailangang magsagawa ng mga reporma sa Kongreso, lalo na sa proseso ng paglalaan ng pondo o budget allocation.
Aniya, dapat nang wakasan ang tinatawag na "mahiwagang bicam," at dapat bigyang prayoridad sa paggastos ang pagkain at seguridad, suporta para sa mga magsasaka at mangingisda, edukasyon, kalusugan, at mga serbisyong panlipunan. Mensahe niya: "Higit sa lahat, ang Senado bilang tagapagtanggol ng pambansang interes ay dapat panatilihin; ang kalayaan nito ay hindi maaaring isuko."
0 Comments