Kinumpirma ng mga lokal na opisyal sa kalusugan na naitala na ang kauna-unahang kaso ng mpox sa Iloilo City nitong Miyerkules.
Ayon kay Dr. Mary Ann Diaz ng City Health Office, nagpositibo sa mpox ang pasyente noong Mayo 27. Ipinunto rin ni Dr. Diaz na wala umanong kasaysayan ng paglalakbay ang pasyente sa ibang lugar, na nagpapahiwatig ng posibilidad ng lokal na transmisyon.
Agad na isinailalim sa isolation ang pasyente habang patuloy na isinasagawa ang contact tracing upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. Nagpaalala rin ang mga health officials sa publiko na maging mapagmatyag, sundin ang mga health protocols, at agad na magpakonsulta kung may sintomas tulad ng lagnat, pantal sa balat, at pananakit ng katawan.
0 Comments