Ticker

6/recent/ticker-posts

PNP, Handa na sa Pagbubukas ng Klase


 Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na handa na sila sa pagbubukas ng klase sa buong bansa. Ayon kay PNP chief Gen. Nicolas Torre III, nakipag-ugnayan na sila sa mga punong-guro at school administrators upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa mga paaralan.

Sinabi ni Gen. Torre na ang PNP ay magpapakalat ng mga pulis sa mga paaralan, lalo na sa matataong lugar at lansangan, upang mapanatili ang kaayusan, maiwasan ang krimen, at agarang makatugon sa pangangailangan ng mga estudyante at guro.

Dagdag pa rito, patuloy ang pagbabantay ng PNP sa mga terminal, palengke, at iba pang pampublikong lugar na malapit sa mga paaralan upang masigurong ligtas ang mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan. Nanawagan rin ang PNP sa mga magulang at komunidad na makipagtulungan para sa kaligtasan ng mga bata.

Post a Comment

0 Comments