MAGSASAKA PATAY MATAPOS ATAKEHIN NG PUTYOKAN



Patay ang isang magsasaka matapos siyang atakehin ng mga putyokan sa Purok 2, Barangay Miasin, San Pablo, Zamboanga del Sur kamakailan. Kinilala ang biktima na si Neceporo Dumalagan, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, umaakyat umano ng puno ng niyog ang biktima nang hindi nito namalayan na may pugad ng putyokan kaya bigla itong inatake. Agad siyang tinulungan ng mga tao ngunit hindi na siya nailigtas dahil sa dami ng kagat at saksak ng mga putyokan na kanyang tinamo.

Lubos na kalungkutan ang nararamdaman ngayon ng pamilya ng biktima dahil sa biglaang pagkamatay nito, lalo na’t siya ang pangunahing inaasahan sa pang-araw-araw nilang kabuhayan. Sa kasalukuyan, nakaburol na ang biktima sa kanilang tahanan at nakatakdang ilibing sa mga susunod na araw.

Comments