MISTER, NASAKSIHAN NG ASAWA NA NAKIPAGTALIK SA LABANDERA



Nagkagulo sa Barangay East Coast, Zamboanga City matapos maaktuhan ng isang guro ang kanyang mister at ang labandera nilang kabit na parehong walang saplot sa katawan sa loob mismo ng kanilang bahay.

Kinilala ang mister sa alyas na Jay-jay, 35 anyos, isang negosyante, habang ang kanyang karelasyon ay kinilala sa alyas na Linda, isang labandera na hiwalay na rin sa asawa.

Ayon sa guro na asawa, na tinatawag sa alyas na Lucy, nagsimula na umano siya sa kanyang klase ngunit bigla niyang naalala na may naiwan siyang gamit sa bahay kaya agad siyang bumalik. Pagdating niya, laking gulat niya nang abutan ang kanyang mister at ang labandera na parehong hubo’t hubad at abala sa pagtikim ng bawal na kaligayahan.

Dahil sa matinding pagkabigla, dali-daling nagtatakbo palabas ng bahay ang magkalaguyo na wala pa ring saplot at agad na sumakay sa sasakyan bago tuluyang tumakas. Hanggang ngayon, hindi pa sila muling nakakabalik.

Samantala, desidido si misis na magsampa ng kaso laban sa kanyang mister at sa labandera upang mapanagot ang dalawa sa ilalim ng batas.

Comments