SIKAD DRIVER NA NAGTANGKA SA PANGGAGAHASA SA MINOR, HUMIHINGI NG PASENSYA
Nagmamakaawa ngayon ang isang sikad driver na itinago sa alyas Loloy matapos umanong tangkain nitong gahasain ang kanyang menor de edad na pasahero kagabi sa Purok Mudia Extension, Barangay Labangal, General Santos City.
Inamin ng suspek na sinubukan niyang pagsamantalahan ang biktima, ngunit umatras umano siya dahil “naluoy” (naawa) raw siya. Kwento pa ng suspek, dinala niya ang biktima sa isang liblib na lugar at tinangka sanang halayin, pero itinanggi niyang sinaktan niya ito. Dagdag pa niya, ihahatid na lamang sana niya ang biktima pero mabilis itong tumakbo papunta sa kabahayan at humingi ng tulong, dahilan para agad siyang mahuli.
Sa ngayon, nakakulong na si Loloy sa Police Station 2 habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.
Comments
Post a Comment