VP SARA GUSTO IPA-HOUSE ARREST ANG AMA NA SI DATING PANGULONG DUTERTE SA DAVAO
Iminungkahi ni Vice President Sara Duterte na ilagay sa house arrest ang kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa Davao City sakaling aprubahan ng International Criminal Court (ICC) ang kanilang hiling na interim release.
Sa pagdinig ng budget ng Office of the Vice President (OVP) sa Senado, ibinunyag ni VP Sara na ilang beses nang nawalan ng malay ang kanyang ama habang nasa loob ng detention cell.
Dahil dito, muling nanawagan ang pamilya Duterte sa ICC na agad aprubahan ang interim release. Tiniyak pa ni VP Sara na handa silang makipag-coordinate sa ICC sakaling payagan ang planong house arrest, kahit pa nananatili sa kustodiya ang kanyang ama na hindi pa nahahatulan.
Comments
Post a Comment