VP SARA: ROMUALDEZ TUMATANGGAP DIN UMANO NG KICKBACK MULA SA ILLEGAL GAMBLING
Hindi lang umano sa flood control projects kumikita ng kickback si dating Speaker Martin Romualdez kundi pati na rin sa operasyon ng illegal gambling.
Ito ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte sa isang press conference matapos ang pagdinig ng budget ng Office of the Vice President (OVP) sa Senado.
Ayon kay VP Sara, nagmula ang impormasyon mula mismo sa loob ng opisina ni Romualdez, ngunit tumanggi siyang pangalanan ang source dahil umano sa takot ng mga ito na magsalita. Dagdag pa ng Bise Presidente, hindi na siya nagulat sa impormasyon dahil matagal na raw na may kumakalat na usap-usapan tungkol sa umano’y pagtanggap ni Romualdez ng kickback.
Matatandaan na sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng anomalya sa flood control projects, ibinunyag ni Orly Guteza, dating security aide ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co, na ilang beses siyang nag-deliver ng maletang puno ng pera sa bahay ni Romualdez sa McKinley Road, Makati City.
Comments
Post a Comment