BUDA ROAD GUMUHO, PANANDALIANG PAGSASARA NG DAAN IPINATUPAD NG DPWH





Gumuho ang bahagi ng Bukidnon–Davao City Road sa Brgy. Palacapao, Quezon, Bukidnon noong Oktubre 18, 2025.

Kaugnay nito, agad nagsagawa ng assessment ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pinsala ng nagkalisik na bahagi ng lupa at naglabas ng temporary road closure advisory.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na iwasan muna ang pagdaan sa nasabing lugar at dumaan sa mga alternatibong ruta:

Mula Cagayan de Oro City patungong Tagum City: Dumaan sa Junction Sayre Highway Poblacion Valencia City, Bukidnon via Kapalong – Talaingod – Valencia.

Mula Camp 1, Maramag, Bukidnon patungong Davao City: Dumaan sa Junction Bukidnon–Davao City Road to Cotabato Boundary – Carmen – Kabacan – Matalam – Kidapawan, Cotabato – Digos City, Davao.



Comments