Guro, tsinugi ng sariling asawa sa loob ng paaralan sa Leyte



Isang guro ang kasalukuyang ginagamot sa ospital matapos tsinugi ng sariling asawa sa loob mismo ng isang paaralan sa Barangay Canramos, Tanauan, Leyte.

Kinilala ng Tanauan Municipal Police Station ang biktima na si Elizabeth Mandreza, habang ang suspek ay ang asawa nitong si Adan Mandreza.

Batay sa imbestigasyon, nagtamo ng sugat sa dibdib ang guro matapos tsinugi ng suspek gamit ang .38 caliber na baril.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na ilang linggo nang hiwalay sa tirahan ang mag-asawa matapos umanong madiskubre ng suspek na may ibang karelasyon ang biktima, dahilan umano ng naturang pamamaril.

Sa kasalukuyan, patuloy na ginagamot ang biktima sa ospital, habang nasa kustodiya ng Tanauan Municipal Police Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Comments