Mag-asawa, pinatay ng CAFGU member sa loob ng sariling bahay sa Samal



Patay ang mag-asawang sina Jonathan Prado, 43-anyos, isang security officer, at ang kanyang asawang si Bhryliant Pearl Prado, 31-anyos, matapos silang pagtatagain ng isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa loob ng kanilang tahanan sa Zone 6, Barangay Villarica, Babak District, Island Garden City of Samal.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, natagpuan ang mga biktima na wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo, may mga malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.



Agad namang naaresto ang suspek na nakilalang si Nn Mesiona, 36-anyos, residente ng Purok 6, Sitio Kaimito, Barangay Miranda. Ayon sa imbestigasyon, aminado ang suspek sa krimen at sinabi nitong nawala umano sa sarili dahil sa sobrang kalasingan.

Sa kasalukuyan, nakakulong na ang suspek sa himpilan ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong double murder.

Comments