Magnitude 6.0 na Lindol, Yumanig sa Bogo City, Cebu
Naitala ng DOST-PHIVOLCS ang isang magnitude 6.0 na lindol sa Bogo City, Cebu (10.92°N, 123.95°E) bandang alas-1:06 ng madaling-araw, Oktubre 13, 2025 (Lunes).
Ayon sa ulat, naramdaman ang malakas na pagyanig hindi lamang sa Bogo kundi pati sa iba’t ibang bahagi ng Cebu at mga karatig-probinsya.
Instrumental Intensities:
Intensity V – Villaba, Leyte Intensity IV – Danao, Asturias, Argao City, Talisay, at Cebu City, Cebu; Isabel, Leyte; Hilongos, Ormoc City, Abuyog, Leyte; at Hinunangan, Southern Leyte
Patuloy namang minomonitor ng PHIVOLCS ang mga posibleng aftershocks, at pinapayuhan ang publiko na manatiling mahinahon ngunit maging handa sa mga posibleng pagyanig.
📷: DOST-PHIVOLCS
Comments
Post a Comment