Ticker

6/recent/ticker-posts

Malacañang, hindi nababahala sa mga usaping rigodon sa Senado



Walang nakikitang banta ang Malacañang sa muling pag-usbong ng mga usapin tungkol sa pagpapalit ng liderato sa Senado, kahit pa isang buwan pa lamang ang nakalipas mula nang magkaroon ng change of leadership sa mataas na kapulungan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, normal sa isang demokrasya at karapatan ng mga senador na pumili ng lider na nais nilang mamuno.

Pinagtibay ng Palasyo ang pahayag ng Senate leadership na nananatiling matatag ang institusyon sa kabila ng mga intrigang lumalabas.

Tiniyak din ng Malacañang na hindi maaantala ang legislative agenda ng administrasyon at umaasa itong uunahin ng mga senador ang kapakanan ng mamamayan kaysa sa pansariling interes sa politika.

Post a Comment

0 Comments