Ticker

6/recent/ticker-posts

PIGGATAN BRIDGE SA CAGAYAN GUMUHO; MGA SASAKYAN NADAMAY



Hindi na madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang Piggatan Bridge sa bayan ng Alcala, Cagayan matapos itong gumuho ngayong hapon, Oktubre 6, 2025.



Ayon sa paunang ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Alcala, kinumpirmang bumagsak ang tulay habang dumaraan ang ilang ten-wheeler trucks. Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagguho at kung may mga nasugatan sa insidente.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO, PNP Alcala, at Bureau of Fire Protection (BFP) upang magsagawa ng rescue at clearing operations sa lugar.

Post a Comment

0 Comments