Ticker

6/recent/ticker-posts

USEC. CLAIRE CASTRO, ITINURING NA DAHILAN SA PAGBIBITIW NI MAYOR MAGALONG SA ICI



Inamin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na marami pa sanang nakahandang kasong isasampa ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects, ngunit nahinto umano ito matapos siyang magbitiw bilang special adviser ng komisyon.

Ayon kay Magalong, ipinaabot na niya ang lahat ng dokumentong kaugnay ng mga kaso at technical reports sa kanyang kahalili na si dating PNP Chief Rodolfo Azurin, sa turnover meeting kasama si DPWH Secretary Vince Dizon noong Martes ng umaga.

Nanawagan din siya na hayaang makapagsagawa ng imbestigasyon si Azurin nang walang panghihimasok, taliwas sa karanasang naranasan niya sa puwesto.

Giit ni Magalong, posible umanong may mga “natatapakan” sa isinasagawang imbestigasyon ng komisyon.

Dagdag pa niya, si Presidential Press Officer Usec. Claire Castro umano ang naging dahilan ng kanyang pagbibitiw sa tungkulin.

Post a Comment

0 Comments