Pinaigting ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang kampanya laban sa pamemeke ng mga travel documents, kasabay ng babala ng mga awtoridad na mas nagiging sopistikado ang mga sindikatong sangkot sa human trafficking.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, pinalalakas ng BI ang mga hakbang upang mapigilan ang paggamit ng mga pekeng dokumento sa mga paliparan at pantalan ng bansa. Kabilang sa mga hakbang na ito ang mas mahigpit na inspeksyon sa mga pangunahing paliparan at pantalan, pag-deploy ng karagdagang personnel, at pagpapalawak ng paggamit ng biometric systems.
Nagbabala rin ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) sa publiko hinggil sa mga ulat ng paggamit ng mga pekeng CFO certificates, pinalasang employment contracts, at pekeng overseas work permits. Ayon kay CFO Secretary Dante “Klink” Ang II, dapat maging mapagmatyag ang mga Pilipino at makipagtransaksyon lamang sa mga lehitimong ahensya.
Kamakailan, na-intercept ng mga awtoridad ang ilang grupo na nagpapanggap bilang mga misyonaryong relihiyoso ngunit kalaunan ay nadiskubreng na-recruit para sa mga ilegal na trabaho sa ibang bansa.
Bilang bahagi ng kanilang modernisasyon, binigyang-diin ni Viado ang pangangailangan ng BI na i-upgrade ang kanilang mga sistema upang mas epektibong matukoy ang mga pekeng dokumento at mapigilan ang human trafficking.
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng pamahalaan upang labanan ang human trafficking at protektahan ang mga Pilipino mula sa mga mapanlinlang na sindikato.
0 Comments