Sa isang eksklusibong panayam ng RMN, ibinahagi ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang kanyang layunin na makahanap ng mga potensyal na atleta mula sa Palarong Pambansa na maaaring ihanda at isabak sa mga international na paligsahan.
Ayon kay Diaz, ang Palaro ay isang mahalagang plataporma upang matuklasan ang mga batang may angking talento at determinasyong makipagsabayan sa pandaigdigang antas. Layunin niyang suportahan at sanayin ang mga piling atleta upang mapalakas pa ang tsansa ng Pilipinas sa mga darating na internasyonal na kompetisyon, kabilang na ang Asian Games at Olympics.
Dagdag pa niya, mahalaga na maagang mahasa at maihanda ang mga kabataan sa tamang disiplina, pagsasanay, at mentalidad na kinakailangan sa larangan ng world-class sports. Nanawagan din siya ng suporta mula sa gobyerno at pribadong sektor upang matupad ang kanyang adbokasiya sa pagpapaunlad ng grassroots sports sa bansa.
0 Comments