Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pabilisin ang pagpapatibay ng isang legally binding na Code of Conduct para sa South China Sea.
Sa kanyang pahayag noong Lunes, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng mapayapang pagresolba sa mga alitan sa nasabing karagatan at ng mas malalim na kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa rehiyon upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan.
Aniya, ang agarang pagkakaroon ng malinaw at legal na kasunduan ay mahalaga upang maiwasan ang tensyon at mapanatili ang kaayusan sa rehiyon, lalo na’t patuloy ang pag-aangkin ng iba’t ibang teritoryo sa South China Sea. Umapela rin siya sa mga ASEAN leaders na panatilihin ang diwa ng pagkakaisa at respeto sa internasyonal na batas.
0 Comments