Header Ads Widget

National and Local Elections Proclamation of Senators-Elect 2025





May 12, 2025 National and Local Elections

Nagpasalamat si senator-elect Camille Villar sa mga bumoto sa kanya at sinabing "iingatan ang karangalang ipinagkaloob" sa kanya sa una niyang pagpasok sa Senado matapos ang kanyang proklamasyon ngayong Sabado, May 17.

Wagi si Villar, ang kapatid ni Sen. Mark Villar at anak ng mga dating senador na sina Manny Villar at Cynthia Villar, sa ikasampung puwesto matapos makakuha ng 13.6 milyong boto.



"Magsisikap at magtitiyaga ako upang tugunan ang inyong mga pangangailangan. Ipinapangako kong sama-sama nating makakamit ang kapayapaan, progreso, at mga pangarap natin para sa ating pamilya at bayan," saad niya sa Facebook.

Sinabi niya sa kanyang talumpati sa proklamasyon na bukas siya sa legislative inquiry sa mga reklamo sa PrimeWater, ang supplier ng tubig na pag-aari ng kanilang pamilya.



Courtesy: Facebook/Camille Villar

Post a Comment

0 Comments