Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Lunes na kanilang pag-aaralan ang mungkahi na ipatupad ang 30 kilometro kada oras na speed limit sa mga lungsod. Layunin ng panukalang ito na mabawasan ang bilang ng mga aksidente sa kalsada.
Ayon sa ahensya, ang panukalang speed limit ay bahagi ng mga hakbang upang gawing mas ligtas ang mga lansangan, lalo na para sa mga pedestrian, siklista, at motorista. Sinabi rin ng DOTr na isasama nila sa pag-aaral ang mga datos ng aksidente, kasalukuyang batas-trapiko, at ang epekto nito sa daloy ng trapiko sa mga lungsod.
Tinitingnan ng ahensya ang posibilidad ng pilot implementation sa mga piling urban area upang makita ang epekto ng naturang limitasyon sa bilis. Bukas din ang DOTr sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, eksperto sa trapiko, at mga stakeholder upang mas mapalalim ang pagsusuri sa panukala.
0 Comments