Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na umabot na sa walong hepe ng pulisya ang sinibak sa kanilang puwesto matapos mabigong makaresponde nang maayos sa mga emergency calls mula sa publiko.
Ayon kay Torre, seryoso ang PNP sa pagtiyak na maayos at mabilis ang serbisyo ng mga pulis lalo na sa panahon ng krisis. Aniya, ang pagkabigong tumugon sa tawag ng mga nangangailangan ng tulong ay paglabag sa kanilang tungkulin bilang tagapangalaga ng seguridad at kapakanan ng mamamayan.
Dagdag pa ng PNP chief, isinasagawa na rin ang internal review at pagsasanay sa mga istasyon ng pulisya upang tiyaking may sapat silang kakayahan at kahandaan sa pagresponde sa mga insidente, lalo na sa mga oras ng kagipitan.
“Walang lugar sa serbisyo ang mga pabaya. Dapat ay laging alerto at maagap ang ating mga kapulisan,” diin ni Torre.
0 Comments