Nilinaw ng Malacañang na hindi gumagamit ng kapangyarihang diktatoryal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na pagdating sa mga desisyong may kinalaman sa legislated wage hike o itataas na sahod sa pamamagitan ng batas. Ayon sa Palasyo, iginagalang ng Pangulo ang independensiya ng lehislatura at naniniwala siyang tungkulin ng Kongreso na pagdebatehan at pagdesisyunan ang mga mungkahi sa dagdag-sahod.
Binigyang-diin ng Malacañang na bagama’t may malasakit si PBBM sa kapakanan ng mga manggagawa, nais niyang ang proseso ng paggawa ng batas ay manatiling demokratiko, patas, at dumaan sa masusing pag-aaral. Handa rin daw ang Pangulo na suportahan ang mga panukalang makabubuti sa mga manggagawa basta’t isinasaalang-alang din ang kakayahan ng mga negosyo, lalo na ang mga maliliit at katamtamang-laking kumpanya.
Dagdag pa ng Palasyo, nananatiling bukas ang Pangulo sa dayalogo at konsultasyon upang maabot ang balanse sa pagitan ng karapatan ng mga manggagawa at ng kalagayan ng ekonomiya.
0 Comments