Ipinahayag ng Malacañang nitong Biyernes na walang batayan ang mga duda ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa naging resulta ng katatapos na midterm elections. Ayon sa Palasyo, ang pahayag ni VP Sara na may tatlong kandidato mula sa kanilang senatorial slate na tunay na nanalo ngunit hindi naiproklama ay isa lamang umanong "wishful thinking" o pag-aakalang walang konkretong ebidensiya.
Binigyang-diin ng Malacañang na iginagalang nila ang proseso ng halalan at ang resulta nito na dumaan sa masusing pagbantay, kabilang na ang mula sa Commission on Elections (Comelec), mga watchdog, at independent observers. Dagdag pa ng Palasyo, walang malinaw na ebidensiya o reklamo na pormal na inihain upang suportahan ang sinasabi ni Duterte.
Sa gitna ng mga pag-aalinlangan, hinikayat ng pamahalaan ang lahat ng sektor na igalang ang demokratikong proseso at tumuon sa mga layunin ng bayan sa halip na palalimin pa ang mga espekulasyon hinggil sa eleksyon.
0 Comments