Naglabas ng bagong kautusan si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III na nagsasaad na awtomatikong babawiin ang service firearm ng mga pulis na hindi papasa sa itinakdang proficiency standards sa paggamit ng kanilang baril.
Ayon kay Torre, layunin ng hakbang na ito na matiyak ang kahusayan at disiplina ng mga alagad ng batas pagdating sa paggamit ng armas. Idinagdag niya na ang sinumang pulis na mabibigong pumasa ay isasailalim sa karagdagang pagsasanay at hindi papayagang muling makagamit ng service firearm hanggang sa maipakita nila ang sapat na kakayahan.
Ang direktiba ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng PNP laban sa pang-aabuso at upang mapataas ang propesyonalismo sa hanay ng kapulisan.
0 Comments