PAGLIPAT NG FLOOD CONTROL FUNDS SA DSWD, MAKAKATULONG SA EKONOMIYA



Naniniwala si Senador Erwin Tulfo na makakatulong sa ekonomiya ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na ilipat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P36 bilyong pondo na nakalaan para sa flood control projects, lalo na para sa mga livelihood programs.

Giit ni Tulfo na mas mainam na mapunta ang pondo sa mahihirap at walang trabaho kaysa mapakinabangan lamang ito ng ilang opisyal, kontratista, o pulitiko sa DPWH. Dagdag pa niya, kung nasa DSWD ang pondo, direktang makikinabang ang mamamayan at hindi ito madadaan sa impluwensya ng mga interes sa pulitika.

Ayon pa sa senador, ang pagbibigay ng tulong at suporta sa maliliit na negosyo ang tunay na makapagpapalago sa ekonomiya. Nais din ni PBBM na ilaan ang pondo sa Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) at Sustainable Livelihood Program (SLP).

Comments