USEC. CASTRO, BINATIKOS ANG PAGIGING ABOGADO NI FPRRD
Binatikos ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang pahayag ng abogado ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman, na aniya’y binabaluktot umano ang kanyang mga naging pahayag kaugnay sa kaso sa International Criminal Court (ICC).
Iginiit pa ni Castro na hindi kasali ang administrasyong Marcos sa mga proceedings ng ICC, partikular na sa hiling ni Duterte para sa pansamantalang paglaya. Nilinaw niya na ang gobyerno ay tagamasid lamang sa ICC trial.
Dagdag pa niya, anuman ang magiging desisyon ng ICC ay igagalang ng pamahalaan.

Comments
Post a Comment