Ticker

6/recent/ticker-posts

DALAWANG TULAY SA MACTAN-MANDAUE IPINAIINSPEKSYON MATAPOS ANG LINDOL



Tingnan: Ipinag-utos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng City Engineering Office ng Mandaue City ang joint inspection sa dalawang tulay na nag-uugnay sa Mandaue at Lapu-Lapu matapos ang 6.9 magnitude na lindol na tumama sa Cebu noong Setyembre 30, 2025.

Sa regular na sesyon ng Konseho, isang resolusyon ang inaprubahan ni Konsehal Jesus Arcilla Jr. na humihiling sa DPWH at sa City Engineering Office na siyasatin ang unang Mactan-Mandaue Bridge at Marcelo Fernan Bridge upang matiyak na ligtas pa itong daanan ng mga sasakyan.

Ayon kay Arcilla, kailangan ang kumpirmasyon mula sa dalawang ahensya upang mawala ang pangamba ng mga motorista. Kung may makitang bitak o pinsala, aniya, dapat agad itong ayusin dahil ito ang pangunahing daan papunta sa paliparan at maaaring magdulot ng matinding trapiko kung maisasara.

Post a Comment

0 Comments