Ilang proyekto ng pamahalaan, naantala dahil sa paghihigpit ng DPWH
Aminado ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ilang proyekto ng pamahalaan, partikular ang mga infrastructure at flood control projects, ang naantala bunsod ng ipinatupad na mas mahigpit na regulasyon ng ahensya.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ginawa ang paghihigpit upang maiwasan ang maling paggamit ng pondo at masawata ang katiwalian sa implementasyon ng mga proyekto.
Dagdag pa ni Dizon, naapektuhan ang ilang proyekto dahil sa mga anomalya sa flood control programs na kasalukuyang iniimbestigahan.
Gayunman, binigyang-diin ng kalihim na kinakailangan ang mga hakbang na ito upang matiyak na hindi masasayang ang pera ng taumbayan.
Tiniyak din ni Dizon na bibilis pa rin ang pagpapatupad ng mga mahalagang proyekto, kabilang na ang bagong tulay sa Cagayan na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tapusin sa lalong madaling panahon.
Comments
Post a Comment