Ticker

6/recent/ticker-posts

SEN. IMEE: PAGTATALAGA KAY REMULLA BILANG OMBUDSMAN, BAHAGI NG “PLAN C” PARA PATALSIGIN SI VP SARA



Pagtatalaga kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla bilang Ombudsman, umano’y bahagi ng “Plan C” para patalsikin si VP Sara Duterte — Sen. Imee Marcos

Ayon kay Senator Imee Marcos, bahagi umano ng “Plan C” ang planong pagtatalaga kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman, na isa raw sa mga hakbang para patalsikin si Vice President Sara Duterte.

Ibinunyag ng senadora na noong nakaraang taon pa niya nalaman ang mga planong ito laban sa bise presidente — kabilang ang Plan A, o ang People’s Initiative; Plan B, o ang impeachment case laban kay VP Sara; at ngayon, ang Plan C, na ang pagtatalaga kay Remulla sa Ombudsman.

Aniya, nabigo na ang Plan A at Plan B, kaya sinubukan na raw ng ilang grupo ang ikatlong plano.

Dagdag pa ni Sen. Marcos, nagtanong pa siya sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos kung totoo at sigurado ba siyang si Remulla ang kanyang itatalaga bilang Ombudsman.

Giit ng senadora, ikinaaalarma niya ang mga hakbang na ito at nangangamba siya para sa kaligtasan ni VP Sara Duterte.

Binigyang-diin pa niya na ang kailangan ng bansa ay isang “People’s Ombudsman” — isang taong mapagkakatiwalaan, tapat, at hindi kasabwat ng sinuman.

Post a Comment

0 Comments